HAY BUHAY AMERICA TALAGA A friend named "Maeng Ni" posted this. Lahat ng sinabi niya nakakatuwa at totoo. Akala ng mga tao na nasa Pilipinas kapag nasa America ka akala nila madami ka ng pera. Ang totoo, madami kang utang, dahil credit card lahat ang gamit mo sa pagbili mo ng mga gamit mo. Kailangan mo gumamit ng credit card para magka-credit history ka, kase pag hindi ka umutang o wala kang utang, hindi ka pagkakatiwalaan ng mga kano . Pag wala kang credit card, ibig sabihin wala kang kapasidad magbayad. Akala nila mayaman ka na kase may kotse ka na. Ang totoo, kapag hindi ka bumili ng kotse sa America maglalakad ka ng milya-milya sa ilalim ng init ng araw o kaya sa snow. Walang jeepney, tricycle o padyak sa America . Akala nila masarap ang buhay dito sa America . Ang totoo, puro ka trabaho kase pag di ka nagtrabaho, wala kang pangbayad ng bills mo sa kotse, credit card, ilaw, tubig, insurance, bahay at iba pa. Hindi ka na pwedeng tumambay sa kapitbahay kase busy din sila maghanap buhay pangbayad ng bills nila. Akala nila masaya ka kase nagpadala ka ng picture mo sa Disneyland , Seaworld, Six Flags, Universal Studios at iba pang attractions. Ang totoo, kailangan mo ngumiti kase nagbayad ka ng $70+ para makarating ka dun, kailangan mo na naman ang 10 hours na sweldo mong pinangbayad sa ticket. Akala nila malaki na ang kinikita mo kase dolyar na sweldo mo. Ang totoo, malaki pagpinalit mo ng peso, pero dolyar din ang gastos mo sa America . Ibig sabihin ang dolyar mong kinita sa presyong dolyar mo din gagastusin. Ang P15.00 na sardinas sa Pilipinas $1.00 sa America , ang isang pakete ng sigarilyo sa pilipinas P40.00, sa America $ 6.50, ang upa mo sa bahay na P10,000 sa Pilipinas, sa America $1,000++. Akala nila buhay milyonaryo ka na kase ang ganda ng bahay at kotse mo. Ang totoo milyon ang utang mo. Ang bago mong kotse 5 taon mong huhulugan. Ang bahay 30 taon mong huhulugan. Ibig sabihin, alipin ka ng bahay at kotse mo. Madaming naghahangad na makarating sa America . Lalo na mga nurses, mahirap maging normal na manggagawa sa Pilipinas. Madalas pagod ka sa trabaho. Pag dating ng sweldo mo, kulang pa sa pagkain mo. Pero ganun din sa ibang bansa katulad ng America . Hindi ibig sabihin dolyar na ang sweldo mo, yayaman ka na, kailangan mo ding magbanat ng buto para mabuhay ka sa ibang bansa. Isang malaking sakripisyo ang pag alis mo sa bansang pinagsilangan at malungkot iwanan ang mga mahal mo sa buhay.Hindi pinupulot ang pera dito o pinipitas. Hindi ako naninira ng pangarap, gusto ko lang buksan ang bintana ng katotohanan. Note: This was sent to me only by a friend.  | Hay, I'm glad we're staying here in Pinas, diba Jeruel? :D |
 | I definitely agree with this write-up.
Maraming tao sa Pilipinas na akala nila masarap ang buhay dito sa America pero hindi nila alam na ang buhay sa America ay mahirap. Palaging lang stressed-out ang mga tao dito kasi palagi nalang iniisip ang pera para sa bills, para sa pagkain, or para sa mga relatives sa Pilipinas (na humihingi).
Akala ng mga tao sa Pilipinas pinupulot lang yung pera dito sa America. Workers in America don't just sit through their shifts. People here sweat through their jobs and still don't get paid enough.
What I really hate the most is that people back in the Philippines expect their relatives in America to send them hard-earned money. Sometimes if not enough money is sent to them, they start whining like puppies. At least, they should be thankful for the money even if it wasn't enough. Perhaps, they should be more understanding with the situation of their relatives in the US. Their relatives have lives of their own too. No one can really force them to give away their hard-earned money.
(sorry for the switch of language in the end. tagalog is not really my cup of tea. ilongga ako kasi). |
 | totoo yan as some of my relatives in the US have lamented |
 | Thank you heathyap for your comments and reactions. I have also relatives in the states. I must admit that I had this thinking of most Filipinos when I was a bit younger. However, in the passage of time, I came to learn that living in the States is not that easy after all. This article, if it is an article, confirms what I learned. My cousin is in New Jersey, and she is telling me this same story how she manages her life, from owning a car, renting her apartment, and other bills all possible because of Credit Card.
Her family here in the Philippines expect her to send regularly an amount enough to finance their expenses. This write up should be an eye-opener to many who thinks the same line of thought. |
 | this makes me sad.ive been her in california for more than 3 yrs now.gus2ng-gus2 ko ng umuwi sa pilipinas pero magagalit ang pamilya ko.hirap na hirap na ko.tama lahat ng makasaad dito.alipin ka ng utang.sabi nila,kng nasa pinas ako magkaka-kotse ba ko?talagang kailngan mo ng sasakyan dito dahil hindi ka tao kung wla ka nun.ang hirap.sa dami ng gus2 ko pang idagdag,suko na agad ang daliri ko sa kata-type.sana maintindihan na ko ng parents ko sa pinas.di ko na kaya :-( |
 | yes jeruelbi. ako nga kararating ko lang ng july 2003 pero man, ang lungkot. sa umpisa oo ipapasyal ka (fiance kasi ako ) kakakasal ko lang. ang tagal ko sa bahay, man, tutubuan ka ng ugat sa kakahintay sa work permit mo galing immigration. umalils ako sa pinas july 2008 as accounting assistant sa banco de oro. pero alam mo mas namimiss ko ang trabaho ko sa pinas. tama kayo, halos lahat dito utang. pero kung titingnan mo ang buhay mo sa pinas, mahirap din. para sa akin ha, ayaw ko na bumalik dun kasi mahirap ang buhay. mabuti lna lang unti unti naaapproved ako sa immigration. totoo yan halos 1,000+ ang upa namin dito sa apartment, tapos weekly naggrogrocery. galing ako disneyland last week. oo nakangiti ako kasi makikita sa pamilya sa pinas. sila nga hangad makapunta dito. at eto pa halos pati kami pag may coupons sa hirap nga ng buhay ginagamit namin iyon galing sa mga ads sa mailbox. sa totoo lang kasi makakasave ka talaga. ako nga minsan naiiyak dito pag naiiwan ako ng asawa ko gabi na siya umuuwi. nakakalungkot talaga at lalo na pag nakatanggap ka ng sulat sa atin sa pinas. e ano naman gagawin ko wala pa ako work permit di naman pwedeng i-insist na magwoprk ka kahit may social security ka. life in the states is mahirap talaga but i never regret packing my bags to go here. magkakawork din ako basta naaprubhan ang work permit ko. akala talaga ng iba sa atin paguwi super yaman ka na pero pagbalik mo ulit sa tate wala kailangan mo bawiin ang binayad mong pamasahe. you can email me at jeff_artugue1979@yahoo.com. email mo naman ako, kayo, nakakalungkot kaya sa bahay. thanks |
 | im sorry july 2008 pala hindi july 2003. ano ba yan sa sobrang bored nagkamentalblock na ako |
 | friends siguro di ko pa kasi alam buhay dito bagong salta lang ako. pero pag nagwowork na ako dun ko mararamdaman. alam nyo pag nasa terrace ka ng aprtment nyo at nakatanaw ka sa malayo, ang lungkot talaga. mababait naman ang mga puti kapag nakita ka babati sila. pero pag nasa grocery ka at makarinig ka ng tagalog iba ang feeling. poara bang gusto mo silang kausapin na uy pinoy ako. yung ngang pamangkin ng asawa ko hay naku pinoy pero dito raised. ayaw magtagalog. kaya no choice jausapin ko siya english. alam nyo iba ang palaki dito sa bata. e yung pamangkin nyang iyon ang gulo sa kwarto daig pa babae. ibna talaga palaki sa pinas. disiplinado. minsan naman pag linggo naglalaro ako sa park ng basketball. gusto ko pa rin kalaro mga locals hindi imported. yup syempre nandun yung people skills mo. mabait naman mga egot at puti pate emes. (mexicano). pag kalaro mo sa basketball mga pinoy kala mo sa nasa park ka lang sa pinas pero paglingon mo flag ng us makikita mo ay mali pala nasa tate pala ako. iba pa rin talaga kung san ka isinilang. hahanaphanapin mo. alam nyo first time kong hindi magpapasko sa pinas. ang asawa ko uuwi sila at mga kamaganak sa december namputsa maiiwan nanaman ako dito sa pasko 2 weeks. mamimiss ko ang simbang gabi(panata ko kasi yun taontaon). at putro bumbong, yung maglalakad ka ng madaling araw pagkatapos magsimba. mamimiss ko talaga iyon. hay ewan ko baka mismong dec 25 maiiyak ako sa lungkot. di ko kasama asawa ko. haaayyyy. di kasi ako pwedeng umuwi ulit kakaalis ko lang ng july 2008. kasi mahal pamasahe, mahal na naman lahat. kaya alam nyo pamasahe dito 1,000 up halos 40,000+ biruin nyo iyon,. san mo pupulutin iyong perang iyon. tapos pag umuwi ka syempre hindi mo naman pwedeng bibigyan ang mga kamaganak mo. ganun talaga akala nila sandamakmak ang pera mo paguwi. kaya pala now i know dati bago ako pumasok sa bangko breakfast muna ako sa mcdonalds, kaya pala dun sa place namin e daming pensionados sa mcdonalds (arawaraw iyon ha) dun ang tambayan nila. sila ang mga senior citizens na retired na sa either navy or any work dito sa pinas na sa pinas na lang naglalagi kasi dun nga naman di na nila kailangan magwork antay na lang ng direct deposits monthly. alam myo in 5 years na work ko sa bank merong mga pensionados na waldas meron naman na di ginagalaw ang pera sa bangko. either kasi iyong iba maraming asawa hehe. hay,. ewan. siguro pag tanda ko at dumating ako sa ganung edad uuiw na rin kami ng misis ko sa pinas. ilang years pa ba ? 29 ako ngayon plus 36 years my God ganun pa ako katagal mamamalagi sa us. alam nyo meron nga akong kasabay tiyo ko sa virginia naman 63 years old na sila pareho [pero nalulungkot at umiiyak sa akin everytime na tatawag sila. sabi nga nila swerte ko at bata pa ako nakarating ng tate e sila matanda na. kasi naman sa atin mentalidad kahit abutin nang ilang taon biruin nyo 1986 pa nakafile ng petition ngayong 2008 lang dadating hay naku they spent already 20 years of their life sa pinas then when finally approved pupunta rin dito. sabagay kasi nga economy natinsa pinas e kahit naman sabihing ganun kahit naman dito sa amerika ganun din. worldwide kahit saang panig ka pa ng mundo basta alien ka kailangan mo talagang magwork para mabuhay ka sa bansang pinili mo. ano kayang work makukuha ko dito? sabi nga nila sa seminar swerte ,mo kapag ang profession mo sa pinas e makuha mo rin dito pero marami namang work wag lang mapili. kasi pag mapili ka maarte ka. dito talaga pwedeng magstart ka muna sa mababa. hay. anong masasabi nyo? pero ako mas namimiss ko ang work ko sa pinas. kung di ko lang mahal ang naging asawa ko aalis ba ako para magpakasal. sinakripisyo ko at iniwan ko ang trabaho ko for 5 years magkasama lang kami. pray nyo naman ako sana tuloy tuloy na ang approval sa immigration. |
 | uy friends out there pasesnya na kayo ha ang daldal ko ba. ganun talaga kasi naishashare ko lang mga naobserbahan ko kasi nga bagong salta ako sa amerika pasensya na kayo napakwento at napahaba tuloy ako |
 | hi jeruelbi. yup minsan yung mga pamangkin ng asawa ko pag nasa work siya niyaya ako either magbasketball or magmalling. malayo rin ang church dito e kaso isa lang car namin kaya pag weekdays dito lang ako sa haus. as of now, wala pa akong mga clubs or organizations kasi bago pa lang ako dito, well nasa adjutsing period pa rin ako. ganun talaga . pero sa totoo lang nakakamiss talaga ang pinas. dun e 8:30 to 5:30 ang work tapos on your own ka na,. marami ka pa friends. tapos uwian na another day ulit. |
 | yun lang talaga pag naiwan ka na sa haus ang tahimik maririnig mo lang ref na gumagawa ng yelo or clock lang. iba na pala pag may asawa dati sa pinas sarili ko lnag okay na ngayon iba na dapat alaga rin ang asawa. 5 years gap namin ako mas bata kaya adjust talaga ako. right now, para di ako mabore nalabas ako para maggym, or kung di naman nood ;lang tv. buti nga may eat bulaga dito nasusubaybayan ko. yung wife ko pasok nya 2pm hanggang 1030 pm tapos yung pamangkin nya 12:00 am na nauwi. sabi ko nga gusto ko rin magdouble job dito. mabuti naman at nuong una nakakapsa naman ako sa driving test, social security. wala naman akong dapat ikatakot kasi legal naman lahat papers ko galing us embassy. yun nga lang nakakapanibago dito kailangan sa driving sunod ka talaga sa traffic lights at pag may pulis slow down ka na. sunod talaga sa speed limit. tapos ang highway sa atin freeway . i mean ang lalayo parang kung pupunta ka sa isang lugar e parang nagdrive ka na hanggang province sa layo. dito kami sa temecula one time punta kami san diego e halos cavite hanggang zambales na nadrive namin. makakaadjust din ako later on may awa si Lord |
 | what can you say on my comment sa america? |
 | very true:) may i repost this??! |
 | tedsr wrote on Aug 22, '09 oo mahirap nga buhay sa amerika ayon sa iba pero mas mahirap sa pinas. biseklita lang walang magpapautang sa yo.maglalakad ka sa init ng araw, hahabol ka sa mga naglipanang sasakyan para makasakay. ang sueldo mo sa maghapon kung kinse isa lata sardinas, kung sueldo mo 300 lang isa araw 20 sardinas lang mabibili mo. sa tate kung 7 dollars an hour sueldo mo, 3 hours lang may 21 sardinas ka na. yong kamag anak ko, nabuhay ng 5 dekada sa pinas, nahirapan pang magkaroon kahit kubo man lang. sinuerte nakarating sa tate, isa dekada lang may malaking bahay na dito sa pinas at may magarang suv pa. Ngayon at 65, nakakapagtrabo pa sya dyan sa tate aat malakas pa katawan nya. d2 sa pinas, pag nag 30 ka sa kangkungan ka na pupulutin. pag tanda mo mamalimos ka para may makain dahil ang sss pension mo kulang pa sa pambili ng gamot mo sa rayuma. gusto ko pa rin makarating dyan. sa tate at the end of the rainbow there's a pot of gold. d2 sa pinas theres a polluted sea or river at the end of the rainbow. |
Comment deleted at the request of the author.
 | I agree with you. Mas mahirap parin ang buhay dito sa pinas. Gamot lang dito doble ang presyo compare sa gamot sa tate. Dito pag tanda mo, kawawa ka lang. Di ka na mapapansin sa mga ospital lalo pag wala kang pera. Sa Tate, obligado silang bigyan nang pension ang mga matatanda. At tama ka din, grabe din ang discreminasyon dito pag dating sa edad. Pag galing ka nang tate, maganda ang kutis mo kahit basurero o ordinaryong trabahador ka lang.. Dito uling ka na, mabaho ka pa at tuyot balat ka na.Dito kung mamumulot ka nang basura, basura talaga. Dyan sa tate, ang basura nila surplus pa dito sa atin. OO nga, siguro mahirap ang buhay sa Amerika kung susunod sa lifestyle nang mga kano. Marami din akong mga kamag-anak sa Tate di sila mga professional, care giver ang iba mahirap na trabaho, pero di sila umaangal sa pagod, masaya sila kasi malaki naiipon nilang pera. Kung gaano sila nagkukuripot dito sa pilipinas, daladala nila hangang tate. Kaya tama kayo, 1 year lang may condo at kotse na sila. Cash pa nila nabibili. Wala silang pakialam kung ano ang sasabihin sa kanila nang mga kano o ibang pinoy na nasa tate, impportante sa kanila masaya na sila sa $1,200-$1,500 monthly, wala silang utang kasi nagtiaga lang silang mag bus at mag stay in sa pinapasukan nila. During day off, nagsisimba lang at kontento na sa karaoke sa bahay. Makakaipon ka kung marunong ka. Mapapasaya mo ang mga kamag-anak mo sa pinas kung gugustuhin mo. |
| |