Blog EntryBuhay Sa AmerikaJan 20, '08 11:17 PM
for everyone

HAY BUHAY AMERICA TALAGA
A friend named "Maeng Ni" posted this.
Lahat ng sinabi niya nakakatuwa at totoo.

 
Akala ng mga tao na nasa Pilipinas kapag nasa America ka akala nila madami ka ng pera. Ang totoo, madami kang utang, dahil credit card lahat ang gamit mo sa pagbili mo ng mga gamit mo. Kailangan mo gumamit ng credit card para magka-credit history ka, kase pag hindi ka umutang o wala kang utang, hindi ka pagkakatiwalaan ng mga kano . Pag wala kang credit card, ibig sabihin wala kang kapasidad magbayad.

Akala nila mayaman ka na kase may kotse ka na. Ang totoo, kapag hindi ka bumili ng kotse sa America maglalakad ka ng milya-milya sa ilalim ng init ng araw o kaya sa snow. Walang jeepney, tricycle o padyak sa America .

Akala nila masarap ang buhay dito sa America . Ang totoo, puro ka trabaho kase pag di ka nagtrabaho, wala kang pangbayad ng bills mo sa kotse, credit card, ilaw, tubig, insurance, bahay at iba pa. Hindi ka na pwedeng tumambay sa kapitbahay kase busy din sila maghanap buhay pangbayad ng bills nila.

Akala nila masaya ka kase nagpadala ka ng picture mo sa Disneyland , Seaworld, Six Flags, Universal Studios at iba pang attractions. Ang totoo, kailangan mo ngumiti kase nagbayad ka ng $70+ para makarating ka dun, kailangan mo na naman ang 10 hours na sweldo mong
pinangbayad sa ticket.

Akala nila malaki na ang kinikita mo kase dolyar na sweldo mo. Ang totoo, malaki pagpinalit mo ng peso, pero dolyar din ang gastos mo sa America .  Ibig sabihin ang dolyar mong kinita sa presyong dolyar mo din gagastusin. Ang P15.00 na sardinas sa Pilipinas $1.00 sa America , ang isang pakete ng sigarilyo sa pilipinas P40.00, sa America $ 6.50, ang upa mo sa bahay na P10,000 sa Pilipinas, sa America $1,000++.

Akala nila buhay milyonaryo ka na kase ang ganda ng bahay at kotse mo. Ang totoo milyon ang utang mo. Ang bago mong kotse 5 taon mong huhulugan. Ang bahay 30 taon mong huhulugan. Ibig sabihin, alipin ka ng bahay at kotse mo.

Madaming naghahangad na makarating sa America . Lalo na mga nurses, mahirap maging normal na manggagawa sa Pilipinas. Madalas pagod ka sa trabaho. Pag dating ng sweldo mo, kulang pa sa pagkain mo. Pero ganun din sa ibang bansa katulad ng America .
Hindi ibig sabihin dolyar na ang sweldo mo, yayaman ka na, kailangan mo ding magbanat ng buto para mabuhay ka sa ibang bansa.

Isang malaking sakripisyo ang pag alis mo sa bansang
pinagsilangan at malungkot iwanan ang mga mahal mo sa buhay.Hindi pinupulot
ang pera dito o pinipitas. Hindi ako naninira ng pangarap, gusto ko lang
buksan ang bintana ng katotohanan.


Note: This was sent to me only by a friend.

 


arnoldgamboa wrote on Jan 20
Hay, I'm glad we're staying here in Pinas, diba Jeruel? :D
jeruelbi wrote on Jan 21
Hay, I'm glad we're staying here in Pinas, diba Jeruel? :D
Yes... tama ka jan! :)
heathyap wrote on Jan 21
I definitely agree with this write-up.

Maraming tao sa Pilipinas na akala nila masarap ang buhay dito sa America pero hindi nila alam na ang buhay sa America ay mahirap. Palaging lang stressed-out ang mga tao dito kasi palagi nalang iniisip ang pera para sa bills, para sa pagkain, or para sa mga relatives sa Pilipinas (na humihingi).

Akala ng mga tao sa Pilipinas pinupulot lang yung pera dito sa America. Workers in America don't just sit through their shifts. People here sweat through their jobs and still don't get paid enough.

What I really hate the most is that people back in the Philippines expect their relatives in America to send them hard-earned money. Sometimes if not enough money is sent to them, they start whining like puppies. At least, they should be thankful for the money even if it wasn't enough. Perhaps, they should be more understanding with the situation of their relatives in the US. Their relatives have lives of their own too. No one can really force them to give away their hard-earned money.

(sorry for the switch of language in the end. tagalog is not really my cup of tea. ilongga ako kasi).
mysticwaters wrote on Jan 21
totoo yan as some of my relatives in the US have lamented
jeruelbi wrote on Jan 21
Thank you heathyap for your comments and reactions. I have also relatives in the states. I must admit that I had this thinking of most Filipinos when I was a bit younger. However, in the passage of time, I came to learn that living in the States is not that easy after all. This article, if it is an article, confirms what I learned. My cousin is in New Jersey, and she is telling me this same story how she manages her life, from owning a car, renting her apartment, and other bills all possible because of Credit Card.

Her family here in the Philippines expect her to send regularly an amount enough to finance their expenses. This write up should be an eye-opener to many who thinks the same line of thought.
jeruelbi wrote on Jan 21
totoo yan as some of my relatives in the US have lamented
Thanks for your comments and reaction and affirmation. :)
jellybean0926 wrote on Mar 24
this makes me sad.ive been her in california for more than 3 yrs now.gus2ng-gus2 ko ng umuwi sa pilipinas pero magagalit ang pamilya ko.hirap na hirap na ko.tama lahat ng makasaad dito.alipin ka ng utang.sabi nila,kng nasa pinas ako magkaka-kotse ba ko?talagang kailngan mo ng sasakyan dito dahil hindi ka tao kung wla ka nun.ang hirap.sa dami ng gus2 ko pang idagdag,suko na agad ang daliri ko sa kata-type.sana maintindihan na ko ng parents ko sa pinas.di ko na kaya :-(
Add a Comment
   
© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help